top of page

Mga Facts at Myths Tungkol sa Leptospirosis

Sa panahon ng tag-ulan, madalas nating naririnig ang paalala na huwag lulusong sa baha lalo na kapag may sugat sa paa. Ipinaliwanag ni Dr. Daisy Tagarda, isang Infectious Disease Specialist, na bagamat tama ito, puwede pa rin tayong magkaroon ng Leptospirosis kahit walang sugat sa katawan.


Paano Pumapasok ang Bacteria sa Katawan


Ang Leptospirosis ay sanhi ng Leptospira bacteria na nagmumula sa ihi ng mga infected na hayop tulad ng daga. Kapag bumaha, humahalo ang bacteria na ito sa tubig-baha.


Maaaring pumasok ang bacteria sa ating katawan sa pamamagitan ng mga sumusunod:


  • Open wound o kahit maliit na gasgas

  • Mata

  • Ilong

  • Bibig kapag natalsikan o nakainom ng kontaminadong tubig


Binigyang-diin ni Dr. Tagarda na hindi kailangan ng malaking sugat para makapasok ang infection sa katawan.


Paglilinaw sa mga Karaniwang Myths


Nagbahagi rin si Dr. Tagarda ng paglilinaw sa ilang maling paniniwala o myth tungkol sa sakit na ito.


  • Sapat na ba ang paghugas ng alcohol pagkatapos lumusong sa baha? HINDI. Hindi sapat ang pag-spray ng alcohol o mabilisang paghugas lamang kung matagal kang nakababad sa tubig-baha.

  • Sa baha lang ba nakukuha ang Leptospirosis? HINDI. Puwede rin itong makuha sa basang lupa, kontaminadong putik, o sa pag-inom ng tubig na nadumihan ng ihi ng daga.


Kaya kung napasabak ka sa baha, huwag umasa sa swerte lang. Laging maging maingat at alagaan ang kalusugan.


References: Bell-Kenz. (2026). Leptospirosis, Paano ka nga ba Nakakahawa?. Retrieved from: https://www.facebook.com/share/v/1CsjWdTo84/



 
 
 

Comments


bottom of page